anibersaryo
Sa ganitong panahon noong isang taon naganap ang pangyayaring iyon kaya di ko mapigil ang aking mga kamay sa pagsulat.
Di ko rin maintindihan kung bakit ko ito ginagawa, samantalang matagal nang natapos ang lahat ng ito. Bakit kaya? Dahil kaya ako’y umaasa pa hanggang ngayon?
Ang totoo’y hindi na. Isa na lang itong paraan ng pag-alala. [...]
miss
Matagal-tagal na rin mula noong nagsimula at natapos ang lahat. Sa ngayon, sa tingin ko’y hindi ko na nanaisin pang magkita tayong muli, pero mukhang hindi ko iyon maiiwasan. Hindi ko rin alam kung paano ko kakalimutan ang katotohanang isa ka sa mga taong naglagay ng tunay sa ngiti sa aking mga labi. Lipas na [...]